Tiniyak ng Manila Electric Company o MERALCO ang kahandaan nito sa pagtugon sa anumang emergency na may kinalaman sa suplay ng kuryente.
Kasunod ito ng mga nararanasang pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o hanging habagat na pinaigting pa ng lumabas nang bagyong Goring.
Ayon kay MERALCO Vice President at Head ng Corporate Communications Joe Zaldarriaga, patuloy na nakabantay ang kanilang mga tauhan sa epekto nito 24 oras para ayusin ang mga mapipinsala nilang pasilidad.
Sa ngayon, patuloy nilang pinaalalahanan ang mga nasa ilalim ng franchise area ng MERALCO na maging laging handa, i-charge ang mga cellphone, flashlights, gadgets gaya ng laptop, radyo at iba pang emergency equipments.
Pinaalalahanan din ng MERALCO ang mga konsyumer nito na ugaliing tingnan ang mga koneksyon ng kuryente sa kanilang mga tahanan at tiyaking nasa maayos itong kondisyon upang maiwasan ang anumang disgrasya. | ulat ni Jaymark Dagala