Nagsagawa ng Gender, Peace and Security Tabletop Exercise ang Pilipinas at Australia bilang bahagi ng Indo-Pacific Endeavor (IPE) 2023, ang flagship regional engagement program ng Australia.
Ang naturang aktibidad na isinagawa sa HMAS Canberra, ang pinakamalaking barko ng Australian Navy, ay nilahukan ng mga delegado mula sa Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), Australian Defense Force (ADF), at Australian Embassy sa Manila.
Dito ay tinalakay ng mga kalahok ang papel ng mga babaeng sundalo na naka-deploy sa peligrosong combat duty, at Humanitarian and Disaster Relief (HADR) Operations.
Tinalakay din ang isyu ng limitadong oportunidad at promosyon para sa mga babae sa militar.
Si Assistant Secretary Antonio L. Bautista, DND Gender and Development (GAD) Focal Point System (FPS) Vice Chairperson, ang kumatawan sa DND at naghatid ng pang wakas na mensahe ni DND GAD FPS Chairperson Senior Undersecretary Irineo C. Espino.
Nagpasalamat si Espino sa ADF sa pag-organisa ng aktibidad na nagsulong ng Gender and Development goals sa hanay ng militar. | ulat ni Leo Sarne