Appro chair, binigyang diin ang kahalagahan ng sapat na pondo para sa DILG upang mapanatili ang peace and order

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni House Appropriations Committee chair Elizaldy Co ang mahalagang papel ng Department of Interior and Local Government (DILG), bilang ahensyang nakatutok sa public order, kaligtasan at kapayapaan sa bansa.

Kaya aniya mahalaga ang sapat na pondo para sa ahensya upang magampanan ang mandato nito hindi lang sa lokal na pamamahal ngunit maging sa pagtugon sa mga sakuna.

Para sa taong 2024, 262 billion pesos ang ipinapanukalang pondo para sa ahensya.

Mas mataas lamang ng isang porsyento mula sa kasalukuyan nilang budget ngayong 2023.

“Overall, the DILG is always the 1st responder of the government in times of disaster. An implementer of good governance and shared responsibility to create a just, accountable, and participatory society,” sabi ni Co.

Ayon kay Co ang budget ng DILG ay gagamitin para makamit ang kanilang UNITE Agenda o “Unleashing the maximum potential of good local governance; Nourish the bonds of national and local governments to address key sectoral concerns; Intensify efforts to ensure public order and safety; Transform governance through technology and innovation, and Enhance the capability of the Department.”

Partikular dito ang pagtugon sa sectoral concerns pagtiyak sa public order and safety paggamit ng technological innovation sa lokal na pamamahala at pagpapalakas sa kapabilidad ng ahensya.

“Mahalaga ang tungkuling gagampanan ng DILG sa pagtugon sa agenda na ito upang mapanatili ang kaayusan ng bansa sa iba’t ibang aspeto – mula sa kapayapaan at pampublikong kaligtasan at pagpapalakas ng kakayahan ng lokal na pamahalaan upang epektibong maipagkaloob ang mga pangunahing serbisyo sa ating mga kababayan,” dagdag ni Co. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us