QC LGU, pananagutin ang mga may-ari ng nasunog na pagawaan ng damit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahaharap sa patong-patong na kaso ang apat na natitirang may-ari ng nasunog na bahay sa Pleasant View Subdivision, Barangay Tandang Sora, Quezon City kung saan namatay ang 15 indibidwal at tatlo ang nakaligtas.

Sa pulong balitaan ngayong araw, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na puro kasinungalingan ang ginawang deklarasyon ng mga may-ari sa kanilang aplikasyon sa business permit.

Kabilang sa ginawang misdeclaration ay ang paggamit sa bahay bilang patahian at imprentahan ng damit.

Batay kasi sa deklarasyon ng may-ari, negosyante lang sila ng damit at bag, pero ginawa na pa lang business establishment ang bahay.

Kakasuhan din ang may-ari ng paglabag sa labor laws dahil  mali rin ang bilang na kanilang idineklarang bilang ng kanilang mga mangagawa.

Posible ring maharap ang mga may-ari sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Umapela naman ng tulong si Belmonte sa publiko na isumbong sa lokal na pamahalaan ang sa tingin nilang gumagawa ng katiwalaan sa kanilang komunidad.

Matatandaang sumiklab ang sunog sa Pleasantview Subdivision sa Barangay Tandang Sora kaninag 5:30 AM kung saan agad naman itinaas sa unang alarma.

Sa ngayon, gumugulong na ang imbestigasyon ng BFP kung saan at paano nagsimula ang sunog sa nasabing bahay. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us