Pres. Marcos Jr., inaprubahan ang pagtatakda ng ceiling sa presyo ng bigas sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyan ng “go signal” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas.

Ang pag-aapruba ay sa pamamagitan ng pag-iisyu ng Executive Order No. 39 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang August 31.

Ang pagtatakda ng price ceiling ay base na din sa rekomendasyon ng Department of Agriculture at ng Department of Trade of Industry.

Sa ilalim ng EO 39, ang price ceiling para sa regular milled rice ay nasa ₱41 per kilogram, samantalang ang price cap sa well-milled ay ₱45 kada kilo.

Mananatili ang price ceilings at ipatutupad in full force maliban na lamang na ito’y i-lift na ng Pangulo.

Effective immediately ang implementasyon ng price cap sa bigas na inirekomenda sa Pangulo dahil na din sa patuloy na pagsirit sa halaga nito na nagpapahirap sa maraming consumers lalo na doon sa mga nabibilang na tinatawag na underprivileged at marginalized. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us