Ilang pamilya sa Valenzuela, inilikas dahil sa pag-ulan dala ng habagat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mayroon ngayong tatlong pamilya o katumbas ng siyam na indibidwal ang inilikas sa Valenzuela City dahil sa mga pag-ulan dulot ng habagat.

Batay sa ulat ng Valenzuela LGU kaninang alas-8:00 ng umaga, nananatili ang mga inilikas sa Luis Francisco Elementary School sa Veinte Reales.

Kaugnay nito, patuloy ang monitoring ng pamahalaang lungsod sa mga pangunahing kalsada na binabaha.

Kabilang dito ang mga sumusunod na lansangan:

• Wilcon, Dalandanan (2-3 inches)
• Footbridge, Dalandanan (3-4 inches)
• Corner T. Santiago Cuevas, Dalandanan (7-8 inches)
• Corner G.Lazaro Dalandanan (6-8 inches)*
• ByPass Veinte Reales (3-5 inches)  | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Valenzuela City

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us