Cartel ng bigas, pinatututukan na din ni PBBM para sa ipatutupad na price ceiling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasama na ding pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang cartel ng bigas na aniya’y labis ng umaabuso at nagpapataas sa halaga ng presyo nito sa merkado.

Ayon sa Pangulo, kailangang gumawa na ng kaukulang hakbang kontra cartel upang matiyak ang patas na market competition at mapangalagaan ang karapatan ng mga mamimili.

Partikular na pinakikilos dito ng Chief Executive ang Philippine Competition Commission na aniya dapat na makipag-ugnayan sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa harap ng gagawing pagtugis sa cartel.

Sa kabilang dako ay pinakikilos din ng Pangulong Marcos ang Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies kasunod ng ginawa nitong pag- aapruba para sa pagpapatupad ng price cap sa bigas.

Magiging papel ng PNP ayon sa Pangulo na magbigay ng kaukulang asiste sa DTI at DA sa gitna ng gagawin nitong hakbang sa pagtiyak na masusunod ang price ceiling para sa regular milled rice na nasa ₱41 per kilogram at ₱45 kada kilo para sa well-milled rice. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us