Umabot na sa kabuuang P436 milyon ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong Goring at habagat.
Batay ito sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa nasabing halaga, P395 milyon ang pinsala ng bagyo sa agrikultura kung saan napuruhan ang Regions 2, 3 at 6.
Nasa 8,734 din na mga mangingisda at magsasaka ang apektado.
Samantala, sa imprastraktura naman ay nananatili sa P41.2 milyon ang iniwang pinsala ng bagyo.
Nakapagtala din ang NDRRMC ng 482 mga nasirang tahanan kung saan 371 dito ang ‘partially damaged’ habang 111 ang ‘totally damaged’. | ulat ni Leo Sarne