Panukala para buwagin ang lahat ng uri ng chemical weapon sa bansa, pasado na sa komite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng House Committee to Public Order and Safety ang substitute bill para sa Chemical Weapons Act.

Nilalayon ng panukala na maglatag ng komprehensibo at iisang batas para protektahan ang publiko at tuluyang ibasura ang anomang uri ng chemical weapon.

Ang naturang panukala na inihain ni PATROL Party-list Representative George Bustos ay bilang pagtalima na rin sa Chemical Weapons Convention (CWC).

Sa kabila kasi ng pagiging signatory ng Pilipinas sa naturang kasunduan ay kulang pa rin ang hakbang ng bansa para makasunod dito.

Maliban pa sa magkakahiwalay ang polisiya at panuntunan na ipinatutupad ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan pagdating sa chemical weapons.

Suportado naman ito ni Louie Intalan ng Anti-Terrorism Council Program Management Center (ATC-PMC).

Makatutulong umano ito sa pagpapalakas ng ating national security dahil sa epektibong mapangangasiwaan at matutugunan ang chemical security concerns at chemical incidence sa bansa.

Ang ATC-PMC ang mangunguna sa pagpapatupad nito oras na maisabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us