Pasig River Ferry Service, balik na sa normal na operasyon ngayong araw -MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik-operasyon na muli ngayong araw, Setyembre 2, ang Pasig River Ferry Service matapos suspendihin ng ilang araw dahil sa mga pag- ulan bunsod ng sama ng panahon.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pinasimulan na kaninang alas-7:00 ng umaga ang unang biyahe ng ferry service.

Ayon sa MMDA, lahat ng 13 istasyon nito ay bukas na sa publiko.

Kinabibilangan ito ng mga istasyon sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan sa lungsod ng Pasig.

Kasama din ang Guadalupe at Valenzuela sa Makati City, at Hulo station sa Mandaluyong.

Operational na din ang istasyon ng Lambingan, Sta Ana, PUP, Lawton, Escotta, at Quinta, sa Maynila. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us