Sinucalan River sa lalawigan ng Pangasinan, nasa Near Critical Level na; Mga BDRRMC, nakaalerto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Sinucalan River dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan sa lalawigan ng Pangasinan.

Mula sa 6.60 MASL kaninang 12:00nn ay umakyat na naitalang lebel ng tubig sa 6.80 MASL as of 3:00 PM ngayong araw, September 2.

Dagdag dito, 7.00 MASL ang maituturing sa critcal level ng tubig, 0.20 MASL na lamang mula sa kasalukuyang lebel ng tubig sa ilog.

Naglabas na ng babala ang Sta. Barbara Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ukol sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig.

Inabisuhan narin ang mga residenteng naninirahan sa mga low lying areas at malapit sa ilog na maging alerto sa possibilidad ng patuloy pag-pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog.

Pinayuhan narin ang mga Barangay DRRMC na maging aktibo. Magsasagawa umano ng evacuation kung sakaling ito ay kinakailangan.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us