Price ceiling, dapat makatiyak ng access ng mga Pilipino sa bigas — Sen. Grace Poe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Senador Grace Poe na ang inilabas ng price celing sa bigas ay makasisiguro na mananatiling accessible sa mga Pilipino ang bigas.

Ito ang pahayag ni Poe kasabay ng paghimok kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng pangmatagalang solusyon para mapanatiling steady ang suplay at presyo ng bigas.

Dapat rin aniyang masigurong magiging maunlad ang sektor ng agrikultura sa bansa, lalo na ang ating mga magsasaka.

Iginiit rin ng senador na dapat tugunan ng mga awtoridad ang smuggling at hoarding na patuloy na nakakahadlang sa layuning mapabuti ang productivity ng mga magsasaka, gawing moderno ang sektor ng agrikultura, at mabawasan ang retail price ng bigas.

Sinabi rin ni Poe na kailangan ring siguruhin ng Department of Agriculture na ang mga benepisyo ng Rice Tariffication Law ay mararamdaman ng mga magsasaka at gagawin silang mas competitive.

Umaasa si Poe na ang mga isyung ito ay mananatiling prayoridad ng administrasyon lalo na’t ang Pangulo ang mismong namumuno sa DA. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us