Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang tatlong dam sa Luzon dahil sa mga pag-ulang dala ng habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna.
Kasama rito ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan at ang Ambuklao at Binga Dam.
Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay umabot sa 101.01 meters ang antas ng tubig sa Ipo Dam na lagpas sa spilling level ng dam na nasa 101 meters.
Dahil dito, nakabukas ngayon ng .15 meters ang isang gate ng dam.
Tig-dalawang gate rin ang bukas sa Ambuklao at Binga Dam na may opening na 0.5 metro sa Ambuklao at 0.6 metro naman sa Binga Dam.
Samantala, patuloy naman ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam na nadagdagan pa ng .80 meters sa magdamag.
Dahil dito, umakyat pa sa 202.23 meters ang water elevation ng Angat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa