2022 Census of Agriculture and Fisheries, opisyal ng inilunsad ng Philippine Statistics Authority Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Philippine Statistics Authority o PSA Bicol Regional Director L. Cynthia Perdiz CESO V, ang Press launch sa 2022 Census of Agriculture and Fisheries sa Lungsod ng Legazpi.  Kasama sina PSA Bicol Chef Statistical Specialist Danilo V. Lucena, Asst Regional Director Cynthia Berces ng National Economic Development Authority 5, mga kinatawan ng Department of Agriculture, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources BFAR.  Dumalo rin si PIA Bicol Regional Director Doods Marianito. Higit sa lahat ang mga kagawad ng media.

Ayon kay Director Perdiz, ang 2022 Census of Agriculture and Fisheries o CAF ay isang pambansang hakbangin o large scale government undertaking sa pagkolekta at pag-ipon ng mga impormasyon sa agrikultura at palaisdaan sa Bicol at buong bansa.   Salig ito sa Executive Order 352 na nagtatakda sa census of Agriculture and Fisheries bawat ika-10 taon. Tanging Philippine Statistics Authority ang naatasan gumawa nito alinsunod sa Republic Act 10625 o Philippine Statistical Act of 2013.

Sa Bicol may kabuuang 1,090 n na enumerators. Saklaw ang 1,322 na barangay sa rehiyon. Narito ang bilang ng mga barangay sa anim na probinsiya rito na sakop ng census.  Sa Camarines Sur may 351, Albay 241, Sorsogon 240, Masbate 231, Catanduanes 149 at Camarines Norte 110.

Ang 2022 Census of Agriculture and Fisheries opisyal na magsisimula ngayong September 4 hanggang October 25, 2023.  Sa Hulyo 2024 inaasahang ilalabas  sa publiko, ang resulta nito. | via Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us