Barangay health workers, masisiguro ang pagseserbisyo kahit pa magpalit ng lokal na lider

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co ang paglagda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) sa isang joint Memorandum Circular na titiyak na hindi maaalis sa trabaho ang mga barangay health worker magpalit man ng lokal na lider.

Ayon kay Co, taong 2021 pa nila itinutulak sa dalawang ahensya na mabigyan ng solusyon ang hindi makatarungang pagtatanggal sa serbisyo ng mga BHWs.

August 24 nang lagdaan nina Interior Secretary Benhur Abalos at Health Secretary Ted Herbosa ang Joint Memorandum Circular 001-2023.

Dahil dito, mapapanatag na aniya ang loob ng mga BHW na magkaroon man ng bagong kapitan sa idaraos na Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre ay maipagpapatuloy nila ang kanilang serbisyo.

Dagdag pa ni Co na napapanahon ang naturang kautusan habang hinihintay na maisabatas ang Magna Carta for BHWs.

“This JMC is the protection of BHWs against removal by barangay chairpersons who will be elected in October. While waiting for the Magna Carta to become law, this JMC will be able to protect BHWs from politically-motivated and unjust removal from their posts,” diin ni Co.

Pinayuhan naman ng kinatawan ang mga BHW na magparehistro sa kanilang local health boards upang matiyak ang kanilang proteksyon sa ilalim ng kasunduan.

“Though the JMC gives three years for signing up, the sooner the BHWs are registered with the local health boards, the better for BHWs, so those who are not yet registered with the LHBs should do so and make sure they are listed. This signup directive reiterates previous orders. It is not new, but the JMC puts in more protective provisions for BHWs,” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us