Mahigit 168 libong magsasaka at mangingisda sa Lambak, Cagayan, target na mapuntahan ng PSA RO2 para 2022 Census of Agriculture and Fisheries

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsisimula na ngayong araw, Sept. 4, ang 2022 Census of Agriculture and Fisheries (CAF) na isasagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Dito sa Region 02, nasa 136 na enumerators ang kinuha ng ahensya na siyang mag- iikot para kumuha ng datos nang nasabing census.

Ang target ng PSA RO2, makuha ang mga kinakailangang impormasyon mula sa 168, 000 na mga magsasaka at mangingisda mula sa 811 sample barangays, o 40% nang na 2,055 kabuuang barangays sa lambak Cagayan.

Mula sa na nabanggit na bilang, 327 barangays ang sa lalawigan ng Isabela, 267 sa Cagayan, 115 sa Nueva Vizcaya, 79 sa Quirino, at 23 sa Batanes.

Ayon sa PSA, bagamat hindi lahat ng barangays ay mapupuntahan para sa nasabing census, tinitiyak naman ng mga ito na ang mga napiling mga barangay ay yoong may maraming mga magsasaka at mangingisda na siya nang kumakatawan sa bilang ng mga farmers and fisherfolk sa isang bayan.

Ang 2022 Census of Agriculture and Fisheries ay pang- anim na census nang isinasagawa sa bansa. Ginagawa ito kada 10 taon. | via Dina Villacampa | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us