?? ??????? ??????????? ?? ??? ????????? ?????? ??????? ?? ??????? ??????? ?? ???, ????? ?? ?? ??

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil.

Mabilis lang na naaprubahan ng CA panel ang ad interim appointment ni Sec. Garafil.

Mismong si Senate President Juan Miguel Zubiri ang umapela sa mga kasamahan sa CA na agad aprubrahan ang pagkakatalaga sa kalihim para ganap na itong makapagsilbi bilang PCO Secretary.

Nagsilbi ng limang buwan si Garafil bilang officer-in-charge (OIC) ng PCO.

Naging Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman rin ng maikling panahon si Sec. Garafil bago naitalaga sa PCO, nagsilbing prosecutor ng Department of Justice (DOJ) noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at naging bahagi rin ng media.

Bukod kay Sec. Garafil, lusot na rin sa Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Philippine Representative to the World Trade Organization (WTO) – Geneva, Switzerland Manuel Antonio Javier Teehankee at dalawa pang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Pinababalik naman ng CA sa susunod na linggo si Philippine Ambassador to the Papua New Guinea Bienvenido Tejano para muling talakayin ang kaniyang appointment.

Sa susunod na linggo na ang huling linggo para sa CA hearing bago ang session break ng Kongreso. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion.

?: PNA/Avito Dalan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us