Panukalang pagpapababa ng retirement age ng mga empleyado ng gobyerno, dapat tiyaking magiging sustainable

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangang pag-aralang mabuti kung paanong gagawing sustainable ang panukalang batas na nagsusulong na mapababa ang compulsory at optional retirement age ng mga empleyado ng gobyerno ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Lalo na aniya’t maraming sumusuporta sa panukalang batas na ito at sumasang-ayon rin ang marami na ang batayan ng computation ng halaga ng makukuhang pension oras sa retirement ay dapat mas mataas ng isang Salary Grade.

Ayon kay Gatchalian, dapat malaman kung magkano ang ibibigay na subsidiya ng gobyerno bilang equity dahil ang naturang panukala ay hahantong sa mas maaga o mas malaking pagbabayad ng pension.

Sinabi ng senador na dapat linawin ng Government Service Insurance System (GSIS) ang computation para magkaroon ng direksyon sa pagbuo ng panukala.

Hinimok rin ng mambabatas ang Civil Service Commission (CSC) na pag-aralan ang mga pension system sa iba’t ibang bansa at tukuyin ang mga best practices.

Paliwanag ni Gatchalian, nagbabago kasi ang mga trend, gaya ng life expectancy, na pwedeng makaapekto sa pension scheme.

Ipinunto ng senador na kung maisasabatas ang panukalang pababain ang retirement age ng mga government employees ay magkakaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho ang mas maraming Pilipino, lalo na ang mga nakababatang henerasyon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us