Ikatlong ‘simultaneous earthquake drill’, ikakasa sa September 7

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nananawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) sa sa publiko na makiisa sa nationwide earthquake drill sa darating na ika-7 ng Setyembre 2023.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Alert kay Deputy Spokesperson Diego Mariano, sinabi niyang layon ng Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na paigtingin ang kahandaan ng bawat indibidwal at pamilya mula sa banta ng lindol at iba pang epekto nito.

Magsisimula ang simultaneous earthquake drill dakong alas-dos ng hapon, sa September 7, na pangungunahan ng mga ahensya ng gobyerno.

Matatandaang ginanap ang unang quarter ng earthquake drill noong March 9 na may scenario na magnitude 7.2 na lindol, habang nito lamang June 8 isinagawa ang 2nd quarter ng earthquake drill. | ulat ni Hazel Morada

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us