CAB, nasa proseso ng pagrepaso ng Air Passenger Bill of Rights

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bagong Air Passenger Bill of Rights ang binubuo ngayon ng Civil Aeronautics Board na mas may ngipin para sa pagpapanagot ng mga airline na hindi tutugon sa aberyang kahaharapin ng kanilang mga pasahero.

Sa budget briefing ng Department of Transportation, sinabi ni CAB Executive Dir. Carmelo Arcilla, nasa proseso sila ng pag-repaso sa Joint Administrative Order 1.

Ito’y matapos mausisa ni OFW party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino kung ano ang tugon at atas ng CAB sa mga airline company na dinagsa ng reklamo ng delayed at cancelled flights gayundin ang isyu ng overbooking.

Ani Arcilla, nakapagsagawa na sila ng serye ng mga pulong kasama ang DTI at consumer groups para sa draft ng bagong APBR at ang huling pulong ay gaganapin sa September 14.

Aminado ang opisyal na napakababa lang ng P5,000 na deterrence value na nakasaad sa kasalukuyang batas.

Kaya naman maliban sa pagrepaso sa Joint AO ay umaasa silang maisasabatas na ang APBR.

Batay aniya sa kanilang imbestigasyon, ang sanhi ng delayed at cancelled flights ay bunsod ng kakulangan sa aircraft at piyesa dahil sa supply chain delay.

Hindi lang aniya Pilipinas ang nakaranas ng delay sa delivery ng aircrafts at piyesa ngunit maging ang ibang bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us