Pinsala sa agrikultura ng bagyong Goring sa Western Visayas pumalo sa P356.1-M

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na sa P356.1-million ang pinsala sa agrikultura dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong #GoringPH ng dumaan sa Western Visayas.

May pinakamataas na pinsala ang Negros Occidental na umaabot sa P144-million, sumunod ang Iloilo na umaabot sa P118-million, Antique (P77-million) at Guimaras (P15-million).

Nasa 102,508 na mga pamilya ang naapektuhan ng bagyo.

Inaasahan ng Office of Civil Defense VI na tataas pa ang mga nasabing numero dahil patuloy ang kanilang pagtanggap ng mga report.

Sa nasira na mga imprastraktura sa rehiyon, hindi pa nakapagbigay ng halaga ng pinsala hanggang ngayon ang Department of Public Works and Highways sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council. | ulat ni Bing Pabiona | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us