Mga pekeng gamot na pampabata at pampaputi, ibinabala ng isang Dermatologist

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ngayon ng isang Dermatologist ang walang pakundangan na pagbebenta ng mga pekeng gamot para sa anti-aging at pampaputi.

Ayon kay Dr. Grace Carole Beltran, Dermatologist at Esthetic, nakakabahala ang mga nagkalat na mga gamot na nagsasabing nakakaputi o nakakabata ang mga ito.

Sinabi ng doktor, na napakadali na lamang ngayon na makabili ng naturang mga gamot dahil nasa online shop na lamang ang mga ito.

Bukod sa mga gamot, nagbabala din siya sa mga mura o abot kayang mga stem cell na nabibili rin sa mga online.

Ang mga ito daw ay hindi dumaan sa tamang pag-aaral ng mga dermatologist kung kaya’t maaaring nagtataglay ang mga ito ng mga kemikal na posibleng makasira sa kalusugan.

Payo ni Dr. Beltran, kung nais pumuti o bumata ng isang tao mas makabubuti na magtungo ito sa lisensyadong mga doktor para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Kung duda sa isang doktor, maaari naman daw komunsulta sa iba pang doktor para matiyak na ligtas ang pag-inom ng gamot para bumata at pumuti. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us