Pinagtibay ng Kamara sa ikalawang pag basa ang House Bill 7363 o ang โPondo sa Pagbabago at Pag-Asenso o โP3โ Act.โ
Layunin nitong magsilbi bilang alternatibo ng mga maliliit na negosyo mula sa tinatawag na โ5-6โ at informal lenders.
Target nitong makapaglaan ng abot-kaya, “accessible” o madaling malapitan at simpleng โfinancing programโ para sa micro at small enterprises o MSEs.
Sakaling maisabatas, bubuo ng isang โP3โ Fund na maaaring magpautang sa mga kwalipikadong MSE sa pamamagitan ng Small Business Corporation, at accredited partner financial institutions gaya ng mga bangko, kooperatiba, loan associations, lending companies at iba pa.
Wala ring magiging โcollateral requirementโ para sa loan beneficiaries sa ilalim ng programa.
Mas mababa rin ang โinterest ratesโ nito para sa mga pinansyal na serbisyo sa mga MSE upang mapalakas ang โdevelopment at entrepreneurshipโ ng naturang sektor. | ulat ni Kathleen Jean Forbes