Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga public utility vehicle (PUV) driver at operator, na mahuhuling hindi magbibigay ng diskwento sa pamasahe sa mga estudyante.
Ayon sa DOTr, dapat bigyan ng 20% discount ang mga estudyanteng sasakay sa mga pampublikong sasakyan, ito man ay weekend, holiday, summer o semestral break.
Ito ay alinsunod sa Republic Act 1134 o Student Fare Discount Act.
Kinakailangan lamang ipakita ng mga estudyante ang kanilang student ID para makapag-avail ng discount.
Pagmumultahin naman ng P5,000 hanggang P15,000 at kanselasyon ng prangkisa ang mga PUV driver at operator na mahuhuling lalabag dito.
Maaari namang tumawag o i-report sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board Hotline 1342 para sa mga reklamo. | ulat ni Diane Lear