Nakilahok ang Mindanao Development Authority (MinDA) Area Management Office – Western Mindanao sa isinagawang Pre-Summit Workshop ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office IX sa lungsod ng Zamboanga kamakailan.
Ang naturang workshop ay bilang paghahanda para sa nalalapit na Zamboanga Peninsula Agro-Industrial Summit on Food Security.
Iprinisenta ni MinDA Investment Promotion and Public Affairs Office Dir. Olie Dagala ang situationer hinggil sa power at logistic facilities sa rehiyon.
Sa pamamagitan ng mga ibinahaging impormasyon ay nabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga stakeholder na masuri ng maayos ang mga pangangailangan ng rehiyon para mapaunlad ang agri-fishery sector sa Zamboanga Peninsula.
Layon ng workshop na ma-validate ang mga isyu na may kaugnayan sa food security partikular sa industriya ng agri-fishery sector sa rehiyon at makapagbigay ng mga rekomendasyon at aksyon ang mga kinauukulang ahensya base sa isinagawang konsultasyon ng DA IX.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga