Kinumpirma ni Provincial Election Supervisor Atty. Alipio Castillo na mahigit 15 libo ang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Ilocos Norte.
Sa panayam kay Atty. Castillo, naging positibo naman para sa kanila ang dami ng mga kandidato sa Ilocos Norte kung saan nagiging aware o interesado ang publiko sa pulitika.
Isa rin ang nakikita nito ang malaking turn-out dahil sa nasabing bilang.
Umaabot sa 559 barangay o katumbas ng 8,894 na posisyon sa BSKE sa Ilocos Norte kung saan halos magdoble ang bilang ng mga kandidato.
Pinaalalahanan pa ng opisyal ang mga kandidato na huwag gamitin ang mandato bilang opisyal ng barangay sa pangangampanya lalong-lalo sa paghahatid ng tulong sa mga residenteng apektado ng kalamidad.| ulat ni Ranie Dorilag