RCEF “menu”, pinaaamyendahan ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni Deputy Speaker Ralph Recto na amyendahan ng Kongreso ang Rice Tariffication Law, partikular ang mga programang pinopondohan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Punto ni Recto, sa pagpapataw ng price cap sa bigas ay bumaba naman bigla ang farmgate price ng palay mula sa P19 per kilo mula sa dating P23.

Para sana maibsan ang pagkaluging ito ng mga magsasaka, maaaring gamitin ang nasa P38.56 billion na rice import tariff collections mula January 1, 2022 to August 26, 2023.

Ngunit dahil sa batas, magagamit lang ang RCEF sa makinarya, pataba at credit assistance at hindi para sa mala-Conditional Cash Transfer para sa mga magsasaka.

“I have always maintained that instead of straitjacketed assistance, we should trust the farmers with the decision on how best to spend the import dividends given to them as indemnity. Dahil wala sa menu ang cash transfer, government is denied the flexibility to undertake rapid-response relief that will ease the plight of farmers during exigencies.” sabi ni Recto

Kaya mungkahi ng Batangas solon, amyendahan ang RCEF menu o Section 13 ng RTL, upang ipahintulot ang direct cash assistance para mabenepisyuhan ang lahat ng rice farmers at hindi lang ang mga nagsasaka ng dalawang ektarya at pababa, salig sa Republic Act 11598.

Kasabay nito, umaasa si Recto na babaan ng Pangulo ang import duty na ipinapataw sa bigas salig sa Section 7 ng RTL, bunsod na rin na mag-a-adjourn ang Kongreso sa September 29. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us