VP Sara, binigyang-pugay ang mga guro ngayong National Teacher’s Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-pugay ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang mahalagang papel ng mga guro ngayong National Teacher’s Month.

Kaalinsabay nito, nagsagawa ng tree planting activity ang Office of the Vice President sa 10 OVP satellite offices nito.

Partikular na sa Dagupan, Isabela, Region V, Cebu, Bacolod, Tacloban, Davao, Surigao, Zamboanga at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)

Layon nito na maikintal sa puso ng mga mag-aaral ang ugnayan sa pagitan nila at mga guro ay tulad ng mga halamang habang tumatagal ay patuloy na lumalago at yumayabong.

Tutungo si VP Sara sa Bohol Wisdom School sa Tagbilaran City para pangunahan ang okasyon na may temang “Together4Teachers,” | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us