Nagkasundo ang Civil Service Commission at Anti-Red Tape Authority
na pahusayin pa ang ‘anti-red tape reforms’ at paunlarin ang ‘ease of doing business’ sa sektor ng gobyerno.
Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng dalawang ahensiya
para sa pagtiyak ng epektibong implementasyon ng R.A. No. 11032.
Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, sa ilalim ng MOA, ang Anti-Red Tape Division (ARTD) ng CSC sa Central Office at Anti-Red Tape Units (ARTU) sa mga regional office nito ay magsisilbing focal point.
Ito’y para sa mga inisyatiba na naglalayong pahusayin ang service delivery sa civil service gayundin ang paghawak ng mga reklamo laban sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno.
Sa panig ng ARTA, ito ang magpapatupad at mangangasiwa ng polisiya sa ‘anti-red tape’ at ‘ease of doing business’; magpasimula ng imbestigasyon sa mga reklamong inendorso ng CSC; at tulungan ang mga nagrereklamo sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso sa CSC o sa Tanggapan ng Ombudsman.
Ang ARTA na rin ang gagawa ng Report Card Survey sa lahat ng ahensya ng gobyerno habang ang ARTD at ARTU ng CSC ang tatanggap, mag-aanalisa, at gagamit ng mga resulta ng RCS para sa pagrekomenda ng mga pagpapahusay sa ‘service delivery’ sa civil service. | ulat ni
Nagkasundo ang Civil Service Commission at Anti-Red Tape Authority
na pahusayin pa ang ‘anti-red tape reforms’ at paunlarin ang ‘ease of doing business’ sa sektor ng gobyerno.
Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng dalawang ahensiya
para sa pagtiyak ng epektibong implementasyon ng R.A. No. 11032.
Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, sa ilalim ng MOA, ang Anti-Red Tape Division (ARTD) ng CSC sa Central Office at Anti-Red Tape Units (ARTU) sa mga regional office nito ay magsisilbing focal point.
Ito’y para sa mga inisyatiba na naglalayong pahusayin ang service delivery sa civil service gayundin ang paghawak ng mga reklamo laban sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno.
Sa panig ng ARTA, ito ang magpapatupad at mangangasiwa ng polisiya sa ‘anti-red tape’ at ‘ease of doing business’; magpasimula ng imbestigasyon sa mga reklamong inendorso ng CSC; at tulungan ang mga nagrereklamo sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso sa CSC o sa Tanggapan ng Ombudsman.
Ang ARTA na rin ang gagawa ng Report Card Survey sa lahat ng ahensya ng gobyerno habang ang ARTD at ARTU ng CSC ang tatanggap, mag-aanalisa, at gagamit ng mga resulta ng RCS para sa pagrekomenda ng mga pagpapahusay sa ‘service delivery’ sa civil service. | ulat ni Rey Ferrer
📷: ARTA