Laban ng administrasyong Marcos kontra malnutrisyon, pinasinayaan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad na ng Administrasyong Marcos ang programang pang-nutrisyon para sa taong 2023-2028 sa pamamagitan ng DOH, DOST, DILG at National Nutrition Council.

Ayon kay Jovita Raval, Deputy Executive Director for Technical Services ng National Nutrition Council, layon ng PPAN o Philippine Plan of Action for Nutrition 2023-2028 na tugunan ang problema sa malnutrisyon at maging ang ‘obesity’ sa bansa.

Giit nito na hindi lamang ang usapin ng pagkabansot dulot ng kakulangan sa nutrisyon ang tinutugunan ng programa kundi maging ang ‘obesity’ sa adult na mga Pilipino.

Sa latest report, nasa 26.4% ang mga batang edad lima pababa ang bansot habang patuloy din na tumataas ang bilang ng mga ‘overweight’ at ‘obese’ sa bansa.

Ayon Kay Raval, paiigtingin ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang programa partikular ang feeding program para masolusyunan ang gutom at malnutrisyon at ang ‘nutrition awareness’ para mapigilan ang pagdami ng mga obese sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

📷: National Nutrition Council

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us