Kumpiyansa si Health Sec. Ted Herbosa na matatalo ng Marcos administration ang malnutrisyon sa bansa.
Ayon kay Herbosa, kaya ng bansa na matuldukan ang naturang problema dahil sa mga proyekto nito gaya ng food stamp program.
Panlaban din aniya ang ‘daycare feeding’ ng pamahalaan.
Kumpiyansa si Herbosa dahil din sa ilang bansa sa mundo ang hindi naman aniya kayamanan subalit maayos ang nutrisyon ng kanilang mga mamamayan.
Punto nito, sa pinaghalong programa ng gobyerno at sariling pagsala sa mga pagkain gaya ng maalat, junk foods, matatamis, atbp. ay matatalo ng pamahalaan ang malnutirsyon sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco