Karinderya sa Ilocos Norte, damang-dama ang EO#39

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas mabubuhayan ang mga karinderya sa Ilocos Norte dahil sa implementasyon ng Executive Order #39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan bumaba ang presyo ng bigas sa P41-P45 ng regular milled at well-milled rice.

Ayon kay Mrs. Cristina Pasana, may-ari ng Hayati’s Eatry sa Brgy. 5 bayan ng San Nicolas, malaking tulong ang naging hakbang ng Pangulong Marcos dahil mas magkakaroon sila ng kita.

Aniya, kahit damihan ang bigay na kanin sa budget meal na nagkakahalaga ng P65 ay mayroon pa ring kitang magsisilbi naman sa kaniyang pamilya.

Inamin din ni Mrs. Pasana na tumutulong siya sa mga batang nagugutom, na kahit kulang ang pambayad ay ibinibigay pa rin niya ang sapat na pagkain o budget meal sa mga ito.

Lubos ang pasasalamat ni Mrs. Pasana kay Pangulong Marcos dahil sa kaniyang ginawa at para sa kaniya ay ipagpapatuloy din nito ang pagtulong sa mga bata na gustong kumain sa kanyang karinderya. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us