Nakiisa ang nasa 495 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang penal farms ng Bureau of Corrections (BuCor) sa bansa sa food security program ng national government.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., layon ng kanilang programa na maging sufficient ang bawat penal farms na hawak ng Bureau Corrections sa mga pagkain sa araw-araw. Ito’y sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay at iba pang pangangailangan ng mga inmates.
Sa huli, muling iginiit ni Catapang na magiging suficient na ang kanilang supply ng pagkain sa kanilang penal farms na hawak ng BuCor dahil sa mga inisyatibo ng mga PDL na sumuporta sa food security program ng pamahalaan. | ulat ni AJ Ignacio