Kampanya vs. dengue, tuloy-tuloy nang isinasagawa sa mga barangay ng QC-LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy- tuloy na ang mahigpit na kampanya ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon laban sa sakit na dengue.

Bunsod ito ng halos araw-araw na pag-ulan na nararanasan sa lungsod.

Huling pinuntahan ng mga tauhan ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ang ilang barangay sa District 6, para magsagawa ng Dengue Case Investigation at health education.

Kabilang sa mga lugar dito na pinuntahan ay GK Sto Nino Brgy. Talipapa, Campo Dos, Roque 1 Extension, Brgy. Pasong Tamo, at Don Salvador, Brgy. Baesa.

Layunin ng nasabing case investigation, na matukoy ang mga lugar na posibleng pinagmumulan ng sakit na dengue gayundin ang pagtukoy sa mga indibidwal na nakararanas ng mga sintomas ng sakit na ito.

Mahalaga umano ito upang mabigyan ng kamalayan ang mga residente, upang maiwasan ang muling pagdami ng kaso ng mga nasabing sakit.

Batay sa huling ulat ng LGU, umabot na sa 1,843 ang nagkaroon ng dengue mula Enero 1 hanggang Agosto 19, 2023. Apat na ang namatay sa sakit sa District 1 at 2. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us