Magsisilbing host country ang Pilipinas sa ASEAN Summit sa taong 2026.
Ang anunsiyo ay ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang intervention sa 43rd ASEAN Summit, kaharap ang mga kapwa ASEAN leaders.
Ayon sa Pangulo, handa ang Pilipinas na kunin ang chairmanship tatlong taon mula ngayon.
Binati naman ng Punong Ehekutibo si Indonesian President Joko Widodo, sa ginawang paghawak nito sa chairmanship at sa aniya’y ipinakitang init sa pagho-host ng 43rd ASEAN Summit.
Aabangan naman aniya ng Chief Executive ang Lao People’s Democratic Republic na siyang magsisilbing Chair sa 2024.
Habang sa 2025 naman ay Malaysia ang hahawak ng Chairmanship, at pagdating ng 2026 ay sa Pilipinas na gagawin ang ASEAN Summit. | ulat ni Alvin Baltazar