Pangulong Marcos Jr., nanawagan sa developing countries na pag-ibayuhin pa ang commitment vs. climate change

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na magkaisa sa panawagan sa developing countries na pagtibayin ang kanilang commitment para umaksiyon sa climate change.

Bahagi ito ng intervention ng Pangulo sa isinagawang plenary session ng 43rd ASEAN Summit, kung saan ay binigyang diin ng Punong Ehekutibo na ang pagbabago ng klima ay itinuturing na most urgent threat o banta sa kaunlaran ng bansa.

Kabilang sa sinabi ng Pangulo sa commitment na dapat magarantiya ng developing countries ay climate finance, technology development and transfer gayundin ang capacity building upang mabawasan man lang ang impact ng climate change.

Ang Pilipinas bilang most disaster-prone country sa mundo ay inihayag ng Pangulo, na patuloy na isasaprayoridad ng pamahalaan ang pakikipagtulungan upang maabot ang target na ASEAN climate-smart and disaster-read.

Pinunto ng Pangulo, na mahalaga ang community-building efforts at mula doon ay ma-assess o mataya ang lakas ng bawat isa sa pakikiharap sa ganitong mga hamon. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us