250 Gramo ng shabuna nagkakahalaga ng P1.7-M, nasamsam ng mga awtoridad sa buy-bust sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakumpiska ng pulisya ang tinatayang aabot sa 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyong mula sa apat na suspek sa ikinasang joint buy-bust operation sa Barangay Campo Islam, lungsod ng Zamboanga kagabi.

Ayon kay PMaj. Shellamie Chang, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng Drug Enforcement Team of Zamboanga City Police Station 9, Zamboanga City Police Office, at Regional Mobile Force Battalion 9 mula sa apat na suspek kagabi ang nasa 250.31 gramo ng shabu.

Nakapiit na ngayon sa bilangguan ng Zamboanga City Police Station 9 ang apat na suspek na tubong Zamboanga habang inihahanda na ang pagsampa ng kaso laban sa kanila dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.| ulat ni Shirly Espino| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us