Antipolo LGU, hinikayat ang mga residente na makiisa sa isasagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng OCD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Antipolo ang mga residente nito na makiisa sa isasagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng Office of Civil Defense (OCD).

Layon nitong paghandaan ang epekto ng malakas na lindol at mabawasan ang mga bilang ng maaaring mamamatay sakaling mangyari ito.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, nakikiisa sila sa gaganaping 3rd Quarter NSED sa Huwebes, September 7 ng alas-2 ng hapon.

Kasabay nito ay hinihikayat ang bawat residente ng lungsod na makiisa sa naturang pagsasanay bilang paghahanda sa sakunang dulot ng hindi inaasang paglindol at para ipaalala na rin sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pagiging alerto at handa.

Matatandaang isinagawa ang 1st Quarter NSED noong March 9 na mayroong magnitude 7.2 earthquake scenario, habang ang 2nd Quarter NSED naman ay isinagawa noong June 8.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us