CHED, tinutulan ang screening test para sa libreng tuition fee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pabor si Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera III sa mungkahing magkaroon ng national o screening test sa pagkakaloob ng libreng tuition fee sa mga mag-aaral.

Ayon kay De Vera, kung ang tinutukoy na national test ay katulad ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT), na itinuturing na isa sa pinakamahirap na entrance exam sa bansa, ay maaari itong maging ‘disastrous’ sa pagtiyak ng mas malawak na access sa college education.

Ang entrance tests aniya sa higher education ay dapat na higit na naka-focus sa pagiging patas upang mabigyan rin ng pagkakataon sa libreng edukasyon sa mga state universities and colleges ang mga mahihirap na mag-aaral.

Nanindigan pa ito na responsibilidad ng pamahalaan na mabigyan ng edukasyon ang mga kabataang mula sa mahihirap na pamilya.

Nauna rito, isinuhestiyon ni Finance Secretary Benjamin Diokno na magdaos ng national test, bukod pa sa school admission test, upang tukuyin kung kuwalipikado ang mga estudyante. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us