Tiniyak ng Quezon City Price Coordinating Council (QCPCC) na babantayan nito ang ipinatutupad na mandated price ceiling sa bigas sa lungsod alinsunod sa Executive Order 39.
Sisiguruhin nito na nasusunod ang inilabas na mandato sa lungsod.
Dahil dito, inaasahan na ng QCPCC ang pakikiisa ng mga dealer, wholesaler, at retailer ng bigas sa itinakdang price ceiling.
Kasama si Mayor Joy Belmonte, nagsagawa ng inspection sa Mega Q-Mart at SaveMore-Mega sa Quezon City ang Department of Agriculture (DA),
Department of Trade and Industry (DTI) at Department of the Interior of Local Government (DILG).
Sinisiguro ng mga ito na naipatupad ang mandated price ceiling na Php41.00 kada kilo para sa regular milled rice at Php45.00 kada kilo naman sa well- milled rice.| ulat ni Rey Ferrer