Mga tauhan ng national government, nakakalat ngayong upang bantayan ang implementasyon ng price cap sa bigas.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtutulungan na ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan upang bantayan ang presyo at supply ng bigas, sa gitna ng implementasyon ng Executive Order no. 39 o ang kautusan na nagtatakda ng price cap sa bigas.

Php41 ang price ceiling para sa regular milled rice, habang Php45 sa well milled rice.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Agriculture Director Glenn Panganiban na ang Agri-business marketing and assistance services ang nagmo-monitor sa merkado.

Ang Burea of Plant Industry (BPI) ang nagiikot sa mga storage at warehouses na nakaregister sa DA.

Katuwang aniya sa pagbaba ng mga tauhan ito ang mga eksperto mula sa Department of Trade and Industry (DTI), na nagtitiyak na walang nangyayaring rebranding, o iyong pagbabago ng label ng bigas, para makaiwas sa price cap.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na angkop ang presyong itinakda ng pamahalaan sa pagtatalaga ng price cap sa bigas, na nasa Php41 per kilo para sa regular milled rice at Php45 para sa well milled rice.

Aniya, hindi naman basta nagtakda na lamang ng halaga ang pamahalaan, upang mapigilan ang pagsipa ng presyo ng bigas.

Aniya, dumaan ito sa monitoring, paga-aral, at nationwide survey, kung saan naging katuwang ng DA ang kanilang regional field offices.

Inaral rin aniya nila ang value chain, na nagresulta sa Php41 at Php45 na itinakda ng Executive Order no. 39, na epektibo na simula ngayong araw (September 5), upang matulungan ang consumer na makabili ng abot- kayang bigas.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us