Para masiguro ang mas pinalakas na kalidad ng technical education, nagtapos ang 24 na iskolar sa ilalim ng Dressmaking NCII mula sa programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Training Induction Progam ni Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda.
Itinampok ng 24 na iskolar ang kanilang sariling gawang summer wear attire sa isang fashion show na naging bahagi ng programa sa nasabing graduation ceremony.
Umabot sa 35 araw ang nasabing training na nakapaglaan ng mahigit 300 oras sa loob ng dalawang buwan.
Itinanghal naman bilang outstanding trainee si Ivony Joyce Arnesto mula Ligao, Albay at naiuwi rin ang lahat parangal sa nasabing fashion show.
Wala pang detalye ang TESDA Bicol kung kailan ang magaganap ang national assessment ng mga nagtapos na iskolar. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP 1 Albay