Tiniyak ni Finance Secretary Benjamin Diokno na committed ang gobyerno na magkaroon ng “better stronger and more resilient health system.”
Ito ang pahayag ni Diokno sa ginanap na World Bank high level meeting na dinaluhan ng kalihim ng Department of Finance (DOF), Department of Health (DOH), at National Economic and Development Authority (NEDA).
Tinalakay sa high level meeting ang kooperasayon upang itaguyod ang matibay na health system sa Pilipinas.
Ayon kay Diokno, dahil sa COVID-19 pandemic, kailangan na seryosong maging handa ang Pilipinas sa sistema ng pangangalaga ng kalusugan kabilang dito ang investment sa human capital development.
Iprinisinta ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang health sector priorities sa ilalim ng Philippine Development Plan.
Ibinahagi naman ni DOH Secretary Teodoro Herbosa ang mga bagong proyekto ng DOH na naglalayong paghusayin ang equitable access to local health systems and strengthening pandemic prevention, preparedness, and response (PPR) systems sa mga piling probinsya.
Muli naman iginiit ni WB Country Director for the Philippines Ndiamé Diop ang suporta ng WorldBank para sa health sector investment ng PIlipinas.
Sa ngayon naipagkaloob ng WB sa Pilipinas ang mahigit na $7-billion US dollars para sa COVID-19 programs and projects ng gobyerno. | ulat ni Melany Valdoz Reyes