Umakyat pa sa ₱1.14 bilyon ang halaga ng pinsala sa agri sector na naitala ng Department of Agriculture kasunod ng pagtama ng habagat na pinalakas ng Bagyong Goring.
Sa datos ng DA-DRRM Operations Center, nasa higit 51,000 metriko tonelada na ang total volume loss sa sektor kung saan halos 45,000 na ektarya ang apektado.
Kaugnay nito, mayroon na ring 35,000 na magsasaka ang naapektuhan ang pangkabuhaua sa Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas.
Pinakaapektado pa rin ang mga palayan kung saan aboot sa 38,900 ektarya ang napinsala.
Bukod dito, may naitala rin ang DA na pinsala sa maisan, high value crops, livestock at poultry.
Bilang tulong naman sa mga naapektuhang magsasaka, naghanda na ang DA ng ₱100 milyong halaga ng mga binhi at Quick Response Fund (QRF) na maaaring ipamahagi sa mga tinamaan ng bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa