Nagbabala ang Philippine Ports Authority (PPA) sa publiko hinggil sa isang scam na gumagamit ng pangalan nito.
Ayon sa reklamong natanggap ng PPA, liban sa kanilang pangalan ay ginagamit din ng naturang scam ang kanilang logo.
Dahil dito ay nagpaalala ang PPA na wala silang transaksyon pagdating sa mga delivery at package na kailangan bayaran muna bago makuha sa mga pantalan na kanilang pinapangasiwaan.
Kaya naman payo ng ahensya sa publiko, maging mapanuri at maging maingat sa mga transaksyon na gagawin online at siguraduhin na laging lehitimo ang transaksyon ng mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: PPA