Pamahalaang panlalawigan ng Zamboaga del Sur, may access na sa paggamit ng Listahan 3 ng DSWD-9

Facebook
Twitter
LinkedIn

May access na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zamboanga del Sur sa paggamit ng Listahanan 3 ng Department of Social Welfare and Development Region-9 (DSWD-9).

Ito’y matapos nilagdaan ng dalawang tanggapan ang Memorandum of Agreement (M.O.A.) sa paggamit ng Listahanan-identified poor households data sa lalawigan.

Katuwang na ngayon ng DSWD ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zamboanga del Sur sa paggamit ng mga datos na nalikom ng Listahanan project noong 2019 para gawing basehan sa pagpapaunlad, pagpaplano, at pagpapatupad ng mga social protection programs, kabilang na ang research at iba pang proyektong pangkaunlaran para sa mga maralitàng mamamayan at kaunlaran ng mga kanayunan.

Ang paglagda ng kasunduan ay may kaugnayan sa Data Privacy Act of 2012 na naglalayong maprotektahan ang integridad at seguridad ng personal at sensitibong personal na impormasyon ng mga mahihirap.

Ang Listahanan 3 project ay naipatupad noong 2019 sa Pagadian City, at sa 26 na mga munisipyo ng Zamboanga del Sur.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us