Fuel subsidy, agad na maibababa sa beneficiaries sa oras na matanggap na ng LTFRB ang budget para dito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay na lang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maibaba sa kanilang tanggapan ang pondo para sa fuel subidy ng mga driver at operators ng pampublikong sasakyan.

“Kaya po medyo na-delay ito dahil po may mga ibang requirements lang po na hiningi ang DBM na nai-comply na po natin. So, sa ngayon ay hinihintay na po natin ang downloading ng fund para po maipamahagi na ito sa ating mga operators at drivers.” —Bolano.

Hakbang ito ng pamahalaan, upang maalalayan ang transport sector sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano na nasa 1.3 million operators at drivers ang makikinabang sa tulong-pinansyal na ito.

Nasa P10,000 ang matatanggap ng modern jeepney; P6,500 sa PUJs; P1,000 sa tricycle drivers; at P1,200 para sa delivery riders.

“Ito po ay idadaan sa LandBank; kung may mga dati na po silang PPP card, doon po ilalagay po iyon; iyong may dati ng fuel subsidy card last year ng mga nakaraang pamimigay ay doon din po iyong iki-credit; at doon po sa mga may personal account na isu-submit ay doon din po nila iki-credit ang subsidy para sa kanila; at puwede rin, iyong over the counter – iyong wala po talagang account basta magpapakita lang po sila ng mga identification.” —Bolano. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us