Speaker Romualdez, suportado ang panawagan ni Pangulong Marcos Jr. na magkaisa ang ASEAN para mapahupa ang tensyon sa South China Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinukuran ni Speaker Martin Romualdez ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa 43rd ASEAN Summit, na magkaisa ang ASEAN member states upang maisulong ang rules-based order para mapreserba ang kapayapaan at mapahupa ang tensyon sa South China Sea.

Sa naging retreat session ng ASEAN Summit, binigyang halaga ni Pangulong Marcos ang natatanging regional structure ng ASEAN na magsisilbing diplomatic bridge para sa pagkakasundo, pagtitiwala, at mapayapang pagresolba ng mga isyu.

“The President’s stance on a rules-based approach in settling the South China Sea territorial disputes underlines our commitment to international law, particularly the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” sabi ni Romualdez.

“By reiterating this stand in the ASEAN forum, we are emphasizing the importance of peaceful dialogue and negotiations, ensuring that our sovereign rights are recognized and respected,” dagdag niya.

Bago ang pagdaraos ng naturang pulong ay inilabas ng China ang bago nitong mapa, kung saan pinalawak nito ang pag-angkin sa teritoryo sa South China Sea.

Kasama ng Pilipinas ang ASEAN members na Malaysia at Vietnam pati na ang India, na nagpahayag ng mariing pagtutol sa naturang bagong mapa ng China.

“A united ASEAN working together for the observance of rules-based order in the South China Sea can exert considerable influence towards peaceful and diplomatic settlement of disputes which would be mutually beneficial for all concerned,” saad ni Romualdez.

Sa naturang pulong ay pinanindigan din ni Pangulong Marcos Jr., na patuloy na kikilalanin ng Pilipinas ang kalayaan sa paglalayag at paglipad sa South China Sea salig sa international law, kasama na ang 1982 UNCLOS. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us