Pinag-aaralan ngayon ng National Economic and Development Authority (NEDA) na bawasan pansamantala ang ipinapataw na taripa sa bigas upang mapababa ang presyo nito.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, makatutulong aniya ang naturang hakbang upang maibsan ang epekto ng pagbilis ng inflation.
Una nang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis pa ang inflation nitong Agosto sa 5.3 porsyento bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng bigas at langis.
Magugunitang ipinatupad nitong Martes ang Executive Order no. 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas na layuning pigilan ang pagtaas ng presyo gayundin ay habulin ang mga nananamantala.
Ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kautusan sa gitna ng mga ulat na itinatago lamang ang suplay ng bigas sa mga bodega para mamanipula ang presyo nito ng mga nasa likod ng kartel. | ulat ni Jaymark Dagala