Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na dadating ngayong umaga sa Puerto Princesa Airport ang SONAR team na tutulong sa paghahanap sa nawawalang helicopter-ambulance sa Palawan.
Ayon sa CAAP, bitbit ng grupo ang side scan SONAR cable extension na gaggamitin sa search and rescue operations.
Ang nasabing helicopter na may sakay na isang pasyente, piloto, nurse, at dalawang kasamahan ng pasyente ay noon pang March 1 nawawala.
Unang tutunguhin ng rescue team ang Lumbukan Island gayundin ang Bugsok Island.
Magsisilbi namang Main Incident Command Post ang Candaraman Island sa Balabac.
Sa NAVTEX Broadcast ng Kota Kinabalu Aeronautical RCC sa Malaysia, wala pa rin silang natatanggap na balita hinggil sa nawawalang chopper ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS). | ulat ni Janze Macahilas